- Ang salitang simbahan ay nagmula sa Griyegong salita na “Ecclesia” na nangangahulugang isang “pagtitipon,” o mga “tinawag.” Ang payak na kahulugan ng simbahan ay hindi tumutukoy sa isang gusali, sa halip ito ay tumutukoy sa mga tao. Ang simbahan ay ang katawagan sa lahat ng mga tagasunod ni Hesus. Tinawag ni Hesus ang kaniyang simbahan bilang kaniyang katawan. Tumutukoy rin ang simbahan sa mga mamamayang mananampalataya na nagtitipun-tipon sa isang pook na tinatawag ring gusali o sambahan. Karamihan sa mga aklat na nasa Lumang Tipan ng Bibliya ay mga sulat para sa mga Simbahan o pangkat ng mga mamamayan. Ang simbahan ay may responsabilidad na manghimok sa kanilang mga kasapi na magkaroon ng espiritwal na pag-unlad, at ipakita ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng mga kilos, prinsipyo at mabuting gawa. Kasama sa responsabilidad ng simbahan ang pamamahala sa pagtatama ng maling gawa ng mga kasapi. Ang simbahan ay may pananagutang dumisiplina, at magtanggal sa mga kasapi na hindi isinasabuhay ang mensahe ng kanilang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento