Linggo, Agosto 10, 2014

Pamilya



- Ang pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sa loob ng isang pamilya, maari ring
mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno. Ang magulang ang pamahalaan at ang mga anak ang
mga mamamayan. Ang pamilya ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo,
sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan.
Mahalag ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa maraming pangangailangnan tulad ng
pangangalaga sa mga batang kasapin nito. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak,lolo at lola.


Anim ang Katangiang Kailangan sa Pagbubuo ng Matatag na Pamilya

  • may pananagutan (komitment) sila sa isa’t isa; 
  • nagpapakita ng pagpapahalaga; 
  • may mabuting komunikasyon; 
  • may panahong nagkakasama-sama sila; 
  • sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga; 
  • nakakaagapay sa stress.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento