Linggo, Agosto 10, 2014
Paaralan
- Ang paaralan ay isang pook kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral. Dito ay maraming natututunan ang isang estudyante hindi lamang sa aspektong akademya kundi natututunan din dito ang kabutihang asal. Ito ang nagbibigay edukasyon sa mamamayan upang pataasin ang kanilang kaalaman. Dito nagsisismula ang pag-unlad ng bawat mamamayan na siya ring ikinauunlad ng lipunang ginagalawan. Layunin ng paaralan hubugin ang kaisipan at kaugaliang taglay ng bawat isa. Dito lalong nahahasa ang kakayahan at talinong mayroon ang isang bata. Layunin rin ng paaralan na tulungan ang mga bata na gamitin ang kanilang nalalaman sa pamamagitan ng pagturo ng mga ibat- ibang bagay. Kasamang nahuhubog dito ang sariling disiplina, katatagan at pagtitiyaga na magpapatibay at makatutulong sa kanilang pagharap sa hamon ng buhay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
magaling ng 100 times
TumugonBurahinexcellentos
Burahin