Linggo, Agosto 10, 2014

e. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong paliwanag.

          - Opo. Dahil bawat sektor ay may kanyakanyang gampanin at kakayahan upang hubugin ang bawat pagkatao ng bawat isa. Ito rin ang siyang nagbibigay daan sa pagkamit ng layunin ng lipunan. At ito rin ang may kakayahang hubugin ang talento ng bawat indibidwal.
d. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa pagkamit ng kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensya sa mga mamamayan at naimbag na tulong sa pag-unlad ng lipunan?

          - Ang mga sektor na ito ang siyang nangunguna sa ating lipunan na siyang gumagabay sa'tin sa tamang daan. Maayos nilang pinapatakbo ang kanilang mga gampanin at tunguhin sa ikabubuti ng lahat. Opo. Dahil bawat sektor ay may naiaambag at naitutulong sa buhay ng bawat indibidwal.
c. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?

      Paaralan- Bigyan ng edukasyon ang mga kabataan sa kasaalukuyan upang sa darating na panahon, ay magkaroon sila ng maayos at matiwasay na pamumuhay.

     Simbahan- Nagbibigay ito ng dagdag na paniniwala at pananampalataya sa Diyos.

     Pamilya- Tinuturuan tayo nito na magbahagi ng pagmamahalan at magkaisa sa bawat gawain at layunin ng isa't-isa.

     Mga Negosyo- Nagbibigay ito ng mga oportunidad sa mga taong walang hanap-buhay.

     Pamahalaan- Gumagawa ng mga proyekto sa ikabubuti at ikauunlad ng bawat mamamayan.
b. Ano ang kontribusyon nito sa Lipunan.

         Paaralan- Nakatutulong ito para umunlad ang ating lipunan . Dahil kapag nakapagtapos ang mga kabataan maaari silang makakuha ng trabaho batay sa nakuhang kurso nila . At kapag nagkatrabaho sila maaari silang makapagbayad ng buwis para sa ating bansa na siya ring gagamitin upang makapagpatayo ng mga paaralan , klinika , ospital at iba pa.

        Simbahan- Simbahan ay mahalaga sa atin dahil ito ang tahanan ng ating Diyos at dito natin sya pinapasalamatan o sinasamba sa ibang relihiyon dahil sa mga nagawa niya para sa atin.

       Pamilya- Ang pamilya ay hindi isang samahan kundi ito ang taong nagsasamasama para sa ikauunlad ng bawat isa. Kapag walang pamilya walang lipunan. Dahil ang lipunan ay isang malaking pamilya.

      Mga Negosyo- Nakakatulong ang negosyo sa lipunan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa. Pwede rin ito mag bigay ng pondo sa mga organisation na nakakatulong sa mamamayang Pilipino.

      Pamahalaan- Kontribusyon nito ay ang mga: Imprastraktura, Tulong Medikal, Edukasyon, Agrikultura, Paglalago sa ating Ekonomiya.
a. Ano ang layunin ng bawat sektor.

        Paaralan- Layunin ng paaralan hubugin ang kaisipan at kaugaliang taglay ng bawat isa. Dito lalong nahahasa ang kakayahan at talinong mayroon ang isang bata. Layunin rin ng paaralan na tulungan ang mga bata na gamitin ang kanilang nalalaman sa pamamagitan ng pagturo ng mga ibat- ibang bagay.

       Simbahan- Ang simbahan ay may layunun na manghimok sa kanilang mga kasapi na magkaroon ng espiritwal na pag-unlad, at ipakita ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng mga kilos, prinsipyo at mabuting gawa. Kasama sa layunin ng simbahan ang pamamahala sa pagtatama ng maling gawa ng mga kasapi.

      Pamilya- Ang layunin ng pamilya ay matugunan ang pangangailangan ng lipunan sila ang bumubuo ng lipunan kaya kung wala ang pamilya walang lipunan. Layunin din nila na pangalagaan ang kanilang mga anak

      Mga Negosyo- Nagtatayo ang mga tao ng negosyo upang gumanap sa mga gawaing ekonomiya. Maliban sa ilan (katulad ng kooperatiba, corporate bodies, di kumikitang kapisanan at institusyon ng pamahalaan), namamalagi ang negosyo upang kumita. Sa ibang salita, bilang isa sa mga layunin ng mga may-ari at tagapagpalakad ng isang negosyo ang tumanggap o tumubo ng pananalaping pagkabalik ng kanilang oras, sikap at puhunan. Layunin din nito na mapalago ang ating ekonomiya

      Pamahalaan- Layunin ng pamahalaan o gobyerno na mamahala sa kanyang nasasakupan.

Pamahalaan



- Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan. Nag-ugat ang terminong "pamahalaan" mula sa salitang 'pamae' na may kahulugang 'pananagutan' o 'responsibilidad', at kasingkahulugan ng 'pamamatnubay' o 'pamamatnugot'. Ang pamahalaan ay karaniwang binubuo ng 18-19 na ministro sa gabinete. Bawat ministro ng gabinete ang nagpapatakbo ng kani-kaniyang kagawaran. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng punong ministro.

Mga Negosyo


-Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita. Nagtatayo ang mga tao ng negosyo upang gumanap sa mga gawaing ekonomiya. Maliban sa ilan (katulad ng kooperatiba, corporate bodies, di kumikitang kapisanan at institusyon ng pamahalaan), namamalagi ang negosyo upang kumita. Sa ibang salita, bilang isa sa mga layunin ng mga may-ari at tagapagpalakad ng isang negosyo ang tumanggap o tumubo ng pananalaping pagkabalik ng kanilang oras, sikap at puhunan.

Mga kinakailangan ng karaniwang negosyo:
  • Puhunan
  • Tauhan
  • Makina at Kagamitan